CAGAYAN DE ORO CITY – Binantaan ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang mga pribadong laboratoryo na nagsagawa ng rapid test sa mga suspected patient ng COVID-19 na walang koordinasyon sa pamahalaan ng lungsod at sa Department of Health (DOH) 10.

Itoy matapos tanggapin ng dalawang private laboratories ang pagsailalim sa rapid test sa mga empleyado kung saan may limang pasyente ang nagpositibo na nakapagdulot ng pangamba sa mga tao sa Brgy Bonbon sa Siyudad.

Ayon sa alkalde, inatasan na nito ang City Health Office na kunin ang sagot ng nasabing laboratoryo kung bakit hindi sila dapat parusahan sa kabila ng kanilang ginawa.