CAGAYAN DE ORO CITY – Hustisya ang sinisigaw ng dalaga na binuhusan ng kumukulong ng tubig sa mismong bisperas ng kaniyang kasal sa Iligan City.

Kinilala ang biktima na si Ailenne Tejada, residente sa nasabing lugar habang ang suspek ay ang ina mismo ng lalaking kaniyang pakakasalan sana na si Esperanza Bulahan Ruiz.

Lumabas sa pagsisiyat ng Iligan City PNP na hindi umano nagustohan ng magiging biyenan ang biktima dahilan upang binuhusan niya ito ng mainit na tubig.

Nagtamo ng matinding paso sa katawan at dalawang kamay ang biktima.

Ngunit sa kabila nang nangyari, natuloy pa rin ang kasal ng dalawa.