CAGAYAN DE ORO CITY-Kumpyansa ang dating Regional Peace and Order Council (RPOC) chairman at kasalukuyang alkalde ng lungsod na si City Mayor Oscar Moreno na hindi matutuloy ang plano ni Pres Rodrigo Duterte sa pagbuwag ng Philhealth lalo na sa panahon ngayon na may kinakaharap na pandemya.
Sinabi ni Mayor Moreno na posible umanong may nilulutong estratehiya ang presidente upang mapigilan ang kurapsyon sa ahensiya para maipagpapatuloy ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Malaki ang paniniwala ng alkalde na hindi papayag si pangulong Duterte na hayaan na lamang ang kalusugan ng mamamayan dahil sa kinakaharap na problema sa Philhealth.