CAGAYAN DE ORO CITY-Kakaiba sa mga nagdaang election!

Ganito kung ilarawan ni Nikki Guanco, Bombo International News Correspondent sa Chicago, Illonois ang nagyayaring early votation sa Estados Unidos.

Ayon kay Guanco, noong mga nakaraang election ay tahimik lamang ang karamihan sa mga tao kung sino ang kanilang iboboto ngunit ngayon ay lantaran na nilang ipinapaalam sa pamamagitan ng social media kung sino ang kanilang sinusuportahan sa pagitan ni incumbent US President Donald Trump at democrats candidate Joe Biden.

Aniya maging ang mga Pilipino ay nagkaroon din ng lamat ang relasyon dahil sa magkaiba ang pinapanigang kandidato.

Dagdag pa ni Guanco, kinukonsedera ng mga residente na pinakamahalaga ang halalan ngayon.