CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang isang Brgy Information Officer matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Zone 2, Iponan nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si Jomari Gaabon, 23, binata at residente sa Brgy Baikingon sa Siyudad.

Sinabi ni Brgy Baikingon Kapitan Nathan Yañez, itinalaga niya bilang Information Officer sa kanilang Barangay si Gaabon upang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa mga kabataang nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Yañez, nakagraduate kasi ang suspek sa pagpasok nito sa rehabilitation center.

Aminado ang opisyal na ikinakahiya niya ang nangyari sa kanilang kawani.