CAGAYAN DE ORO CITY – Huli sa aktong gumagamit ng illegal na droga ang Korean national na sinasabing isang retiradong US army sa loob ng Hotel Koresco sa Brgy Lumbia nitong lungsod.

Kinilala ni Cagayan de Oro City Police Office Spokesperson Police Major Ivan Viñas ang suspek na si Dong Yung Kim, 66-anyos, walang asawa at may dalawang anak.

Sinabi ni Viñas nahuli ng kanilang mga operatiba ang banyaga matapos sila makatanggap ng tip mula sa isang confidential agent.

Narekober mula sa posisyon ng suspek ang dalawang pakete ng shabu at mga drug-parahernalia.

Inamin naman nito sa mga otoridad na walong taon na siyang gumagamit nang ipinagbabawal na gamot.