CAGAYAN DE ORO CITY-Nagdulot ng pangamba sa mga residente ang paglamay sa patay na idineklarang positibo sa COVID-19 sa Barangay Ampianga, Sugbongcogon, Misamis Oriental.

Inatake sa puso ang 44-anyos na lalaki at binawian ng buhay sa ospital sa bayan ng Talisayan.

Matapos ang dalawang araw ng lamay, idineklara na COVID-19 positive ang nasabing pasyente kayat agad na dinala sa isolation unit ang nasa 18 close contact.

Natuklasan sa pamamagitan ng swabtest result na positibo rin sa coronavirus ang asawa at anak ng pasyente.

Nananawagan naman si Sugbongcogon Mayor Mildred Mondigo sa mga karatig bayan na magkaroon ng koordinasyon kung may pinaghihinalaang namatay dahil sa COVID-19 upang hindi na maulit ang insidente.