CAGAYAN DE ORO CITY-Idenipensa ng Local Governmet Unit (LGU) ng Iligan City ang mabilis na paglubo ng COVID-19 local cases sa kanilang Siyudad.

Sinabi ni Iligan City Information Officer Joe Pantoja, nasa 234 na ang timaan ng coronavirus sa kanilang lungsod at 137 sa mga ito ang walang travel history.

Ipinaliwanag ni Pantoja na ang paglubo ng kanilang local cases ay dahil umano kanilang ginagawang mabilisang contact tracing.