CAGAYAN DE ORO CITY – Kapayapaan at national unity ang panalangin ng mga muslim filipino na nagdiwang ng early prayerg ng Eid’l Fitr sa lungsod ng Cagayan de Oro, ngayong umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Balt Pangarungan sinabi nitong idinulog nila kay Allah ang kanilang nagkakaisang panalangin para sa peace and order ng isla ng Mindanao.
Hangad ng NCMF na maging matagumpay ang framework ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na naglalayong maihon sa lugmok na kahirapan ang kanilang mga kababayan.
Sinabi ni Pangarungan na pagkatapos ng kanilang Salat Al-Fajr o morning prayers ay mamimigay sila ng pagkain sa mga kapatid nilang mahihirap.
Dito sa lungsod ng Cagayan de Oro ay nagtipon ang daang-daang mga muslim para sa Salat Al-Fajr sa Misamis Oriental Integrated Sports Complex.