CAGAYAN DE ORO CITY-Nagsanib pwersa na ang NBI at ibat-ibang unit ng Philippine National Police (PNP) para mapabilis ang pagkamit ng hustisya sa nangyaring pananambang kay Mayor Somerado Guro na nakabase sa Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Major Evan Viñas na walang tigil ang kanilang pagtatrabaho upang mahuli ang mga sarilin lalong lalo na ang utak sa krimen.

Matatandaang pauwi na sana si Guro kasama ang kanyang asawa at kamag-anak sakay ng pribadong sasakyan ng biglang pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy Iponan sa lungsod.

Nasawi sa insidente ang maybahay ng Alkalde dahil sa tinamo nitong mga tama sa katawan.