CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapahina pa ng Armed Forces of the Philippines ang kilusang CPP-NPA-NDF na kumikilos sa pagitan ng Lanaol del Sur at Bukidnon boundaries.
Ito’y matapos nakubkob ng 5th Infantry ‘Duty Bound’ Batallion ang nagsilbing kampo ng mga rebelde sa mabundok na bahagi ng Maguing,Lanao del Sur.
Sinabi ni 5th IB commanding officer Lt Col Romulus Rabara na ang pagka-kubkob ng NPA camp ay resulta ng isang oras na engkuwentro na nag-resulta pag-atras ng mga kalaban ng gobyerno.
Inihayag ni Rabara na tumambad sa kanilang tropa ang mga naiiwan na mga bomba ng mga rebelde,klase-klaseng mga bala,mga gamot,medical equipment,war documents at 20 litro ng containers ng bigas at ibang kagamitan.
Bagamat nakatakas ang mga rebelde subalit naniniwala ang militar na maaring mayroong mga sugatan dahil dahil sa mga patak ng dugo sa dinaanan na lugar habang patakas mula sa puwersa ng gobyerno.
Wala ring naitala na casualty ang panig ng militar sa kasagsagan ng engkuwentro.