CAGAYAN DE ORO CITY-Ipinamudmod ang nasa P5.5-Milyon pesos sa mahigit 70 rebel returnees sa ilalim ng programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalan sa Misamis Oriental.
Tumanggap ng pera ang 72 na mga dating rebelde, P15,000 ang pinakamababa habang P624,000 naman ang pinakamalaki.
Bukod sa pera, gagabayan din sila ng gobyerno sa pagsisimula ng konting negosyo upang matulungan na mapabuti ang kanilang buhay.
Hinikayat naman ng mga ito ang kanilang dating mga kasamahan na putuloy pa ring nakikibaga sa bundok na bumaba na lamang upang makapagsimula na rin ng panibagong buhay.