CAGAYAN DE ORO CITY-Binawi ni Bukidnon Govenor Jose Ma. Zubiri Jr. ang kautusan nitong ipagbawal sa mga rice producer, trader, at supplier ang pagbenta ng bigas sa labas ng Bukidnon.
Sinabi ni Bukidnon provincial govt spokesperson Hansel Echavez na kaya lamang ginawa ng gobernador ang kautusan dahil sa kagustuhan nitong makalikom ng 100,000 na sakong bigas para ipamigay sa kanilang mga residente na apektado ng krisis dahil sa COVID-19.
Aniya, agad namang binawi ni Gov. Zubiri ang utos matapos maabot ang naturang dami ng bigas.
Ayon naman kay Department of Agriculture (DA) 10 Director Carlene Collado na marami sana ang maapektuhan sa naturang kautusan.
Pinasasalamatan naman ni DILG-10 Director Arnel Agabe ang pagbawi ni Gov. Zubiri sa kautusan.
Ang Bukidnon ay isa sa pinakamalaking supplier ng bigas sa buong Northern Mindanao.