CAGAYAN DE ORO CITY-Hustiya ang sigaw ng pamilya sa umanoy biktima ng gang-rape sa San Antonio, Jasaan, Misamis Oriental.

Sinabi ng ina ng 16-anyos na biktima, sinubukan na silang suhulon sa halagang P150,000 sa kondisyong i-urong ang kaso ngunit tinanggihan nila ito.

Aniya, hindi na baling kumain na lamang umano sila ng putik dahil sa hirap ng buhay basta ang mahalaga sa kanila ay makamit ang hustisya sa ginawang pambababoy ng mga suspek sa kanyang anak.

Nagtatrabaho bilang laborer sa construction ang kanyang asawa habang siya naman ay nasa bahay lamang at nag-aalaga sa kanyang mga anak kabilang rito ang biktima na dumanas ng truama sa nangyari kung saan pinagpalit-patilang gahasain ng anim na mga lalaki sa loob ng dalawang gabi.