CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi na ngayon ng tulong ang pamilyang Dormitorio kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay mayroong kaugnayan sa brutal na pagkasawi nang minaltarto ng ilang kadete si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio habang nasa pagsasanay sana bilang sundalo sa loob ng Philippine Military Academy sa Baguio City.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag sa panganay na anak lalaki ng pamilya na si Dexter na mataas ang kanilang tiwala kay Duterte na mabigyang katarungan ang sinapit ng kanilang bunsong kapatid na pinakahuling biktima ng hazing sa loob ng akademya.
Inihayag nito na umaasa sila na maglabas ng kautusan ang pangulo upang masiguro na hindi mabalewala ang kaso bagkus ay maparusahan ang nasa likod ng kremin.
Dagdag ni Dexter na sana ipagdarasal rin ng publiko ang kanyang mga magulang na mismong nabibigatan sa sinapit ng kadete nitong kapatid.
Hiniling rin nito sa Bombo Radyo na hindi ititigil ang pagtatalakay ng kaso kahit maililibing na ang kanyang kapatid upang maiwasan na makalimutan at mabaon sa limot ang malagim na nangyari sa loob ng PMA.
Kung maalala,makailang beses rin na tiniyak sa Bombo Radyo ni PMA spokesperson Maj Reynan Afan na
hindi nila hahayaan na makaligtas ang mga kadete na lumabag sa anti-hazing law sa bansa.