LUBOS ang pagkondena ng grupong International League of People’s Struggle (ILPS) Philippines sa isinusulong na Pax Silica initiative ng administrasyong Marcos sa pagitan ng Estados Unidos dahil sa kawalan ng malinaw na detalye at sa banta na maikaladkad nito ang bansa sa digmaan.
Ayon kay Arnold Padilla ng ILPS Philippines, hindi ito isang simpleng economic infrastructure kundi bahagi ng pampolitika at war production agenda ng Amerika upang kontrolin ang supply chain ng Artificial Intelligence na gagamitin sa digmaan laban sa Tsina.
Nilinaw ni Padilla na kapalit ng ilang libong trabahong ibibigay, mahigit isang libo at anim na daang ektarya ng lupa ng mga Aeta at magsasaka sa Capas, Tarlac ang sasakupin ng dayuhan, na magbebenta rin sa soberanya at kabuhayan ng mga Pilipino.











