Handa na ang mga progresibong grupo na sumalubong ng malaki at maingay na mga kilos-protesta sa nakatakdang pagdating sa Pilipinas ni US President Donald Trump para sa ASEAN Summit at sa paglagda sa Pax Silica agreement.

Ibinunyag ni Arnold Padilla, Secretary General ng International League of People’s Struggle (ILPS) Philippines sa kanyang pakikipag-usap sa Bombo Radyo, na magsisimula na sa susunod na linggo ang kanilang araw-araw na kilos-protesta, kampuhan, at Lakbayan mula sa Southern at Central Luzon patungong Metro Manila.

Idinagdag pa ni Padilla na bukod sa Pilipinas, magsasagawa rin ng koordinadong protesta at solidarity actions ang kanilang mga international chapter sa hindi bababa sa 14 na bansa sa buong mundo laban kay Trump at sa naturang kasunduan.