CAGAYAN DE ORO CITY -Ninais ng lokal ng pamahalaan ng lungsod na bigyan nga “heroes welcome” ang Kagay-anon pride sa larangan ng boksing na si Carlo Paalam.

Ito’y matapos ikinatuwa at ipinagmalaki ng mga Kagay-anons ang nakamit na tagumpay ni Paalam sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni City administrator Teddy Sabugaa na bibigyan nila ng heroes welcome si Paalam, manalo man o matalo ito sa kaniyang laban sa katunggali na si Indonesia’s Kornelis Langu para sa gold medal match na mangyayari bukas sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Napag-alaman na una nang tinalo ni Paalam ang boksidor ng Laos na si Khamp Khamsathone para sa bronze medal at ang mahigpit na katunggali nito na si Malaysia’s Mohd Redzuan Muhamad Faud para sa silver medal.

Una nang ipinangako ni Paalam na pagsisikapan nito na makuha ang ang “gold medal” sa SEA Games.

Kung maalala, si Paalam ang isa sa mga nakinabang at produkto sa nilikhang pasilidad ni City Mayor Oscar Moreno sa palakasan at sentro para sa mga atleta.