CAGAYAN DE ORO CITY – Basag ang ulo ng 26-anyos na preso matapos tumalon sa sinasakyang police patrol sa may Brgy Dologon,Maramag,Bukidnon.

Kinilala ang namatay na si Joseph Saba, may live-in partner at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay Maramag Police Station commander Maj Carlito Chua Jr pabalik na ang biktima kasama ang mga pulis sa kanilang opisina galing sa korte nang bigla itong tumalon habang mabilis ang takbo ng patrol car.

Sinipa pa ng biktima ang isa sa mga bantay na pulis kung kaya’t hindi ito napigilan.

At dahil sa lakas ng impact, nauntog ang ulo ng biktima sa semento na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na severe traumatic head injury ang ikinamatay ng biktima.

Una nito, dinala sa korte ang biktima upang sampahan ng kasong frustrated murder.