CAGAYAN DE ORO CITY-Nagpapatuloy ngayon ang operasyon ng militar laban sa grupo ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na kanilang nakasugapa sa Brgy. Magsaysay, Quezon, Bukidnon.

Sinabi ni 403rd Brigade civil military officer Capt Ryan Layug sa Bombo Radyo na nagpapatrolya ang kanilang mga tropa sa maliblib na lugar ng kanilang makasalubong ang hindi malamang bilang ng mga rebelde.

Tumagal umano ng mahigit limang minuto ang matinding bakbakan bago umatras ang mga rebelde papuntang bundok.

Naniniwala ang militar na marami ang nasugatan o kaya’y namatay sa makaliwang grupo dahil sa nakitang maraming patak ng dugo sa pinangyarihan ng ingkwentro.

Wala namang nasaktan sa panig ng mga sundalo.