CAGAYAN DE ORO CITY – Nabaliwala ang isinusulong na ‘social distancing’ sa isang Barangay dito sa lungsod matapos sumiklab ang sunog.

Nagkukumpulan kasi ang mga taong nakikiasyoso habang nilamon ng apoy ang nasa 20 bahay sa Lapaz Dos, Kulambog, Brgy Lapasan sa lungsod.

Ayon kay Lapasan Brgy Kapitan Julito Ogsimer, nasa pagpatay sa apoy na ang kanilang pukos sa mga oras na iyon kayat hindi rin masisisi ang mga tao na nakikinuod at ang iba naman ay tumulong sa mga bombero sa pag apula ng apoy.

Pansamatala munang nakikisilong sa covered court ng Barangay ang nasa 153 indibidwal na apektado sa naturang sunog.