CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong carnapping ang isang sundalo matapos nakawin ang sinasakyang habal-habal sa Brgy Bagong Silang, Iligan City.

Sinabi ni Iligan City Police Office Station-1 Commander Major Rixell Torayno na sumakay ng habal-habal si PFC Ed Kevin Quilab, 21 anyos kasama ang isang hindi pa nakikilalang lalaki ngunit pagdating sa nasabing lugar ay biglang tinutukan ng baril ang driver na si Juniel Narbay at agad na tinangay ng sundalo ang habal-habal ng biktima.

Nagsumbong si Narbay sa mga otoridad kayat isinagawa ang isang manhunt operation laban sa sundalo.

Nahuli si Quilab sa pamamahay nito sa Purok 5, Brgy Mapulog, Naawan, Misamis Oriental.

Napag-alamang na awol ang suspek ngunit dala pa din nito ang kayang service firearm na siyang ginamit sa krimen.