CAGAYAN DE ORO CITY-Inatasan na ni Balingasag Mayor Alexis Quina ang kanyang mga pulis na alamin ang pagkakakilanlan ng sundalong nagdala umano ng kanyang asawa galing sa ibang lugar patungo sa kanilang bayan na siyang tinuturong pinagmulan ng local transmission ng COVID-19.

Itoy matapos madiskubreng lahat ng kanilang mga residente na tinamaan ng virus ay walang travel history sa ibang lugar.

Sinabi ng alkalde na hindi niya papalampalasin ang pagsasampa ng kaso kung sakaling mapatunayan na ang naturang mag-asawa ang nagdala ng virus sa Balingasag, Misamis Oriental.