CAGAYAN DE ORO CITY-Idinepensa ni Municipal Mayor Clyde Quiño ang agarang paglockdown sa loob ng dalawang araw sa isang Barangay sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Sinabi ni Mayor Quiño, ginawa niya ang naturang hakbang upang mapadali ang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng 45-anyos na health worker sa naturang lugar.

Nadiskubreng asymptomatic ang pasyente ng malamang nagpositibo ito sa nasabing virus.

Aniya nalipat na ang pasyente sa provincial district hospital ng Bukidnon para sa karagdagang medikasyon.