Kinondena ng mga nagmamalasakit na estudyante sa Cagayan de Oro ang sinasabing 30 piso bawat metro kuwadrado na kompensasyon ng gobyerno para sa mga katutubong maaapektuhan ng Pax Silica framework.

Ayon kay Xavier University Central Student Government President Luiz Nicholai Wong, hindi makatarungan ang naturang halaga para sa mga Aeta at mga magsasaka sa New Clark City sa Tarlac na mawawalan ng kabuhayan at tirahan kung ipagpapatuloy ang proyekto.

Ipinahayag din ni Wong na walang malinaw na garantiya sa maayos na relokasyon para sa mga naturang komunidad kahit pinag-usapan na ang kasunduan sa ASEAN Summit.

Kaya naman nanawagan ang mga estudyante sa iba pang mga paaralan at unibersidad sa lungsod na magkaisa at manindigan para sa karapatan ng mga katutubo at sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.