CAGAYAN DE ORO CITY-Mabilis na isinugod sa ospital ang isang 6-anyos na batang babae matapos makalunok ng 5-peso coin sa Zone 3, Barangay Tumpagon nitong lungsod.

Sinabi ng Zone leader na si Joralyn Dalahay na naglalaro ang naturang bata kasama ang kanyang mga pinsan ng biglang nalunok nito ang barya.

Concious naman ang bata habang patuloy na mimonitor ang kalayagan nito ng mga doktor sa Northern Mindanao Medical Center o NMMC at matapos na gamutin ay pinauwi na ito sa kanilang bahay.

Napag-alamang hindi ito ang unang beses na may batang nakalunok ng barya sa kanilang Barangay.

Ayon kay Dalahay na mismo ang kanyang anak, dalawang beses na ring nakalunok ng barya sa magkasunod na taon sa buwan rin ng Disyembre ngunit maswerteng nakaligtas.