CAGAYAN DE ORO CITY – Nangagalaiti sa galit at nagbanta na hahanapan ng hustisya ang sinapit ng 7 anyos na babae na umano’y tinangka i-gang rape ng apat na kalaro nitong menor de edad sa Singapore,Barangay Balulang,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos nailigtas ng isang Karen Awiten ang biktima na si alyas Ali hindi tunay na pangalan habang pinapatungan na umano ng isang 8 anyos na si alyas CB loob ng isang bahay sa nabanggit na lugar.
Binanggit ng hindi pinangalanang ina sa Bombo Radyo na masyadong na-trauma ang kanyang anak kaya dumulog sila sa pulisya upang kukuha ng mga dokumento na magamit pagsampa ng kaso laban sa apat na mga suspek.
Subalit sa hiwalay na panaym ng Bombo Radyo,inihayag ni Carmen Police Station commander Maj Jelesis Teves na hindi nila makompirma na mayroong nangyari na penetration sa biktima.
Ito ay dahil ayon sa salaysay ng testigo na bagamat nakapatong ang suspek ay wala naman indikasyon na nakaranas ng pananakit ng ari ang bitktima.
Bagamat pinayuhan ni Teves ang pamilya ng biktima na kukuha pa rin ng serbisyong medikal para alamin ang tunay na nangyari sa mga bata.
Magugunitang maliban kay CB,na aktuhan rin na nasa loob ng kuwarto ang tatlo pang minors na nag-edad ng 11 anyos at dalawang 8 taon bago nailigtas ang biktima.










