CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinaliwanag ni Ateneo de Davao University Professor Christopher Ryan Maboloc na hindi awtomatikong maituturing na iregular o ghost project ang pag-withdraw ng ₱37.5 milyon sa Department of Education sa ilalim ng pamamahala ng OVP.

Aniya, ang pagbabago sa halaga ng inilabas na pondo ay sumasalamin lamang sa pag-upo ni Bise Presidente Sara Duterte bilang bagong kalihim ng DepEd, at protektado ang paggamit nito para sa confidential at intelligence work ng pamahalaan.