CAGAYAN DE ORO CITY – Sa panayam sa Bombo Radyo, ipinaliwanag ni Ateneo de Davao University Professor Christopher Ryan Maboloc na walang direktang ebidensya ang prosekusyon na nag-uugnay kay VP Sara Duterte sa umano’y anomalya sa confidential funds.
Aniya, mismong testigo na si Atty. Roderick Wamil ang umamin na wala siyang pruweba na nakinabang o tumanggap ng pera ang Bise Presidente.
Dagdag pa ni Maboloc, natural at hindi labag sa batas ang paggamit ng mga alyas gaya ng “Mary Grace Piattos” upang maprotektahan ang seguridad ng mga tumanggap ng pondo.
Giit pa niya, ang Audit Observation Memorandum ay isang rekesitos lamang para sa dagdag na dokumentasyon at hindi ito ebidensya ng pagnanakaw o katiwalian.










