CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi kumbinsido ang beteranong propesor sa De La Salle University College of Law sa kampanya kontra korapsyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, maniniwala lamang siya na seryoso ang pangulo sa laban kontra korapsyon kung makokondena ang mga akusado.
Ito’y matapos banggitin ni Marcos sa kanyang SONA ang isyu ng korapsyon sa flood control projects, kung saan ibinunyag niyang malapit nang kasuhan ng Ombudsman ang kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Lacanilao, pawang political rhetoric lamang ang ginagawa ng pangulo, at isang bagay na matagal nang hinihintay ng taumbayan na mapatunayan sa konkretong aksyon.










