CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang grupong Hakbang ng Maisug na mawagan sa mga mahistrado ng Korte Suprema na agad aksyonan ang mga nakabinbing petitions kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
Iginiit ni Atty. Vic Rodriguez sa, ang convenor ng grupo na mahalagang maituwid ng Korte Suprema ang mga legal na isyung kanilang hinihingan ng linaw, lalo na sa mga kasong inihain laban kay VP Sara.
Aniya, hindi dapat hayaan ng mga mahistrado na maapektuhan ng ilang senador ang batayang batas ng bansa.
Kabilang sa pinakahuling kinuwestiyon ng grupo ang desisyon ni Senate President Sherwin Gatchalian na huwag ituloy ang impeachment proceedings, at ang pagtatalaga kay Senator Francis Escudero bilang presiding officer ng Senado para sa naturang usapin.










