CAGAYAN DE ORO CITY – Kinondena ni SENTRO Secretary General Joshua Mata ang tila pananahimik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa panawagan ng iba’t ibang unyon at labor groups para sa wage hike.

Ayon kay Mata, malinaw na wala sa agenda ng Pangulo ang pagbibigay ng karagdagang sahod dahil nakatuon lamang ito sa mga band-aid solution gaya ng pamimigay ng ayuda.

Giit niya, mas pinalakas pa ng administrasyon ang sistema ng ayuda upang gawing umaasa ang mga mahihirap sa gobyerno, sa halip na bigyan sila ng oportunidad na makahanap ng trabaho at magkaroon ng disenteng kabuhayan.

Binigyang-diin pa ni Mata na “nakakabingi” ang 2026 SONA ng Pangulo dahil sa kawalan ng konkretong aksyon sa isyu ng kontraktwalisasyon at sa patuloy na hindi pagratipika ng ILO Convention 193.

Dagdag pa niya, mismong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nagpapakita na walang pag-angat sa employment at nananatiling nakapako sa poverty wages ang mga manggagawa sa ilalim ng regional wage boards.