“Dakilang kasinungalingan at purong fake news” ang lumabas na balita na hindi na papapasukin ang mga taga-probinsya sa lungsod ng Cagayan de Oro kaugnay ng ipinatupad na transport ordinance, ayon kay Konsehal Eric Salcedo.
Nilinaw ng opisyal na labag ito sa batas at isang malaking paglabag kung sakaling totoo.
Ang tunay na nilalaman ng naturang patakaran ay ang pagpapatupad na hanggang terminal lamang ang mga pampasaherong sasakyan mula sa silangan at kanlurang bahagi.
Upang matulungan ang mga pasahero, nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa LTFRB upang suriin at ayusin ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Dahil sa hakbang na ito, inaasahang bababa ang pamasahe sa mga ruta gaya ng Igpit-Tagoloan patungong Bulua, dahil ikakalkula na ang tamang distansya sa kilometro imbes na may dagdag na singil.










