CAGAYAN DE ORO CITY – Kumpirmado ni United People’s Initiative President Brig. Gen. Atty. Virgilio Garcia na apat na miyembro ng kontrobersyal na “18 ex-Marines” ang bumawi sa kanilang naunang pahayag matapos silang mapilit at umano’y inalok ng milyon-milyong halaga.

Ayon sa kanya, pinapirma ang mga sundalo ng nakahandang affidavit sa Office of the Ombudsman.

Sa halip na ituloy ang kanilang reklamo, dinala sila sa negosasyon kung saan inalok ng pera.

Dagdag pa ni Garcia, bagaman hindi pa malinaw kung ang ₱25 milyon ay para sa bawat isa o para sa lahat ng apat, ang malaking halaga ang nakahikayat sa kanila upang umatras.