CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ni Deputy Speaker Janet Garin ang kahalagahan na masagot ng Bise Presidente ang mga tanong hinggil sa liquidation at paggastos ng confidential funds.
Itinuro niya na maraming dokumento at resibo ang nagpapakita ng mga kaduda-dudang paggastos na nangangailangan ng linaw.
Ayon kay Garin: “Mao na nga maayo unta nga matubag ni Vice President, because daghay information nga dili ta kahibalo ngano nilang gihimo.”
Binigyang halimbawa niya ang umano’y mataas na halaga ng renta sa safehouse at ang posibleng maling paggamit ng mga alyas o imbentong pangalan.
Ipinaliwanag niya na ang mga batayang tanong kung sino ang nakatanggap at paano ginastos ang pondo ay dapat masagot nang tama.
Sa huli, kanyang ipinaalala na ang pera ng gobyerno ay mula sa ordinaryong mamamayan kaya’t nararapat lamang itong ma-account nang maayos.











