CAGAYAN DE ORO CITY – Sinuri ng pamahalaang bayan ng Villanueva, Misamis Oriental ang operasyon ng Keim Hing Steel Corporation na matatagpuan sa Purok 9, Barangay San Martin.

May higit 400 empleyado ang planta, kabilang ang 57 na Chinese nationals.

Ayon kay Vice Mayor Jeric Emano, wala silang nakitang paglabag sa batas at layunin ng inspeksiyon na matiyak ang pagsunod ng kompanya sa mga polisiya.

Dagdag pa niya, nais nilang maiwasan ang sitwasyong naranasan ng ibang planta na nasangkot sa imbestigasyon ng PAOCC at NBI, gaya ng Sanjia Steel Plant sa Tagoloan at sa Davao region.