CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaliwanag ni Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno, miyembro ng House Prosecution Panel, ang kahulugan ng “hostile witness” sa batas.

Aniya, ito ang saksi na hindi nakikipagtulungan sa partidong tumawag sa kanya.

Dahil dito, pinapayagan ng korte ang paggamit ng leading questions kahit sa direct examination.

Dagdag pa ni Diokno, tama lamang na ideklara bilang hostile witness si Lemuel Ortonio dahil sa kanyang background at koneksyon kay Bise Presidente Sara Duterte, na maaaring makaapekto sa kanyang testimonya.

Determinado ang prosecution panel na gamitin ang lahat ng legal na paraan upang mailantad ang katotohanan sa imbestigasyon.