CAGAYAN DE ORO CITY – Matinding presyur at umano’y alok na milyon-milyong piso ang nagtulak sa apat na kasapi ng kontrobersyal na “18 ex-Marines” upang bawiin ang kanilang naunang testimonya.
Kinumpirma ni United People’s Initiative President Brig. Gen. Atty. Virgilio Garcia na pumirma na ang apat sa affidavit sa Office of the Ombudsman matapos dalhin sa negosasyon imbes na sa pagdinig.
Ayon sa kanya, inalok sila ng malaking halaga kapalit ng pagbawi ng kanilang pahayag. Bagama’t hindi pa tiyak kung tig-isa o para sa lahat ang ₱25 milyon, iginiit ni Garcia na ang laki ng halagang ito ang nakahikayat sa kanila.











