CAGAYAN DE ORO CITY – Kinikilala ng PHIVIDEC Industrial Authority na malaking hamon sa imprastraktura ang patuloy na pagdami ng mga lokal at dayuhang negosyo sa Misamis Oriental.
Ayon kay PHIVIDEC Administrator at Chief Executive Officer Joseph Donato “Cid” Bernedo, umabot na sa 68 kumpanya ang kasalukuyang nagpapatakbo sa pasilidad, kung saan 14 dito ay dayuhan habang ang karamihan ay mga lokal na mamumuhunan.
Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa lokal na pamahalaan na sabayan at pabilisin ang pagpapaunlad ng mga kalsada at tulay sa paligid.
Babala ni Bernedo, maaaring mabawasan ang interes ng mga posibleng investor kung hindi agad masosolusyunan ang kahuot ng trapiko, ngunit tiniyak ng pamunuan na magpapatuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan upang manatiling maayos ang negosyo sa rehiyon.











