CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ng Arkidiyosis ng Cagayan de Oro sa pamamagitan ni Vicar General Msgr. Nathan Lerio na nawa’y magbago ang puso ng mga mananampalataya upang muling maranasan ang biyaya ng Diyos.
Sa kapistahan ni Señor San Agustin, hinikayat niya ang mga deboto na tularan ang mga gawi ng santo, lalo na ang paghahanap ng katotohanan at pagpapakumbaba.
Nais din ng simbahan na ang pagdiriwang ay magpatibay ng pag-ibig sa Diyos at magpalalim ng pagkakaisa ng mamamayan.
Kasabay nito, isinagawa ang fluvial parade at nakatakdang pontifical mass na pangungunahan ni Arsobispo Jose Cabantan sa katedral ng lungsod.











