CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan si Monsignor Raul Ricacho, Rector ng St. Augustine Metropolitan Cathedral, ng agarang pag-atupag sa kalikasan sa gitna ng mataas na heat index sa bansa.
Ayon sa kanya, bilang Dakbayan ng Higalaay, dapat maging kaibigan ng tao ang kapaligiran dahil ito ang ating tahanan.
Bilang tugon sa krisis sa klima, hinikayat niya ang publiko na magtanim ng mas maraming puno upang maibalik ang ganda ng mundo at mabawasan ang init.
Ang hakbang na ito ay kaayon ng panawagan ni Pope Francis hinggil sa pangangalaga sa komunidad at kalikasan.











