CAGAYAN DE ORO CITY – Napamigay na ang sampung libong food packs na may kasamang tubig at soft drinks na ipamimigay ng lokal na pamahalaan sa pista ngayong Biyernes.
Ayon kay Jade Adeser, gaganapin ang pamimigay sa city amphitheater upang maiwasan ang siksikan kumpara sa City Hall.
Bukas ang libreng pagkain para sa lahat ng gustong mamista, kahit hindi residente ng lungsod, basta handang pumila.
Tiniyak din ng pamahalaan ang seguridad sa tulong ng mga pulis at RTA habang inaasahan ang maayos na panahon sa araw ng kapistahan.











