CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-alala ang mga residente matapos matuklasan ang presensya ng 81mm mortar shells na matagal nang nakatago sa isang bahay sa Adela Subdivision, Brgy. Camaman-an.

Ayon sa ulat, tatlong taon nang nakatago ang mga ito sa bahay ni alyas “Koy,” na nakapulot umano sa basura.

Agad na rumesponde ang kapulisan at bomb squad matapos ipaalam ng kapitbahay ang nakitang mga bomba.

Kinumpirma ng mga awtoridad na aktibo pa ang dalawang mortar shells na agad nilang kinuha.