Muling inalala at pinarangalan ng mamamayan ang kabayanihan at pagsasakripisyo ng mga sinaunang Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day.
Binigyang-diin ni Engr. Raul Ilogon, pangulo ng West Misamis Oriental Historical and Cultural Society (WEMOHACS), na hindi lamang mga kilalang bayani mula sa Maynila ang dapat alalahanin kundi lalo na ang mga lokal na bayani sa lungsod.
Kabilang sa mga binanggit ang pakikipaglaban nina Army Gen. Nicolas Capistrano, Col. Apolinar Velez, Capt. Julio Pacana, Lt. Cruz Taal, at marami pang iba laban sa pwersa ng mga Amerikano at Hapon upang magsilbing inspirasyon at gabay sa bagong henerasyon.










