CAGAYAN DE ORO CITY – Sa panayam ng BOMBO Radyo, ibinahagi ni Yusoph Mando ang kanyang pananaw na ang tagumpay ng halalan ay bunga ng hindi matitinag na paniniwala ng mga Moro sa kanilang adhikain.
Aniya, hindi sapat ang transitional government upang tugunan ang malawak na pangangailangan ng Bangsamoro, kaya’t malaking hakbang ang pagkakaroon ng parliyamentaryo.
Ang halalan ay resulta ng dekada-dekadang sakripisyo at panalangin ng kanilang mga katigulangan para sa tunay na hustisya at pamamahala.
Nakikita niya ang bagong pamahalaan bilang haligi ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
Sa kanyang pananaw, ang halalan ay tagumpay ng buong lahing Moro at simula ng mas maliwanag na kinabukasan.











