Binigyang-diin ni Nestor Banuag Jr., coordinator ng NAMFREL-Misamis Oriental, na sayang lamang ang pondo at sweldo kung hindi magagamit nang epektibo ang mga barangay officials sa kanilang termino.
Ayon sa kanya, ang dagdag na dalawang taon ng serbisyo ay dapat magsilbing sukatan ng kanilang dedikasyon sa tungkulin.
Kung may opisyal na nagpasya nang hindi na muling tatakbo, kailangan pa rin nitong gampanan ang natitirang responsibilidad.
Nilinaw niya na hindi dapat sisihin ang mga opisyal kung may iba silang plano sa negosyo, ngunit tungkulin nilang magpatuloy sa serbisyo.
Para kay Banuag, nagiging magulo ang sitwasyon sa paulit-ulit na pag-extend ng termino ng mga barangay officials.









