CAGAYAN DE ORO CITY -Ipinahayag ni Atty. Dexter Precioso na malinaw ang papel ng mga amici curiae o tinatawag na “friends of the court” sa pagbibigay-linaw sa mga isyu sa korte.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng dating propesor ng abogasya na ipinaliwanag ng mga dating Chief Justices ang kanilang posisyon upang magbigay-gabay sa mga senator-judges sa pagdedesisyon kung dapat bang ma-convict o ma-acquit si Vice President Sara Duterte.
Binanggit niya na ang usapin sa threshold ay hindi lamang limitado sa impeachment trial kundi maaari ring mailapat sa regular na korte kapag may kalituhan sa batas o konsepto.
Dagdag pa niya, ang opinyon ng amici curiae ay maaaring tanggapin o hindi ng tribunal depende sa kanilang pagpapasya.











