CAGAYAN DE ORO CITY – Matindi ang banat ni Atty. Angel Lim laban kay dating Chief Justice Hilario Davide Jr. dahil umano sa pabagu-bagong paninindigan nito sa isyu ng 2/3 votes threshold sa impeachment court.

Ayon kay Lim, iniwan ni Davide ang kanyang dating posisyon noong panahon ng impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Tinawag pa niyang katawa-tawa ang inilabas na memorandum synopsis ng dating huwes dahil tila ginawa nitong 50/50 ang threshold.

Dahil dito, lalong nalito ang mga senator-judges pati na ang prosekusyon at depensa.

Giit ni Lim, ang dating pinakamatalinong huwes ng bansa ay nagdulot ng kalituhan sa halip na kaliwanagan.

Ang isyu ay patuloy na nagiging sentro ng diskusyon sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.