Tila pinabayaan na lamang ng pamahalaan na magutom ang pamilya ng mga tsuper matapos putulin ang ayuda sa gasolina sa gitna ng ika-11 sunod-sunod na linggo ng pagmamahal ng langis.
Ito ang ipinahayag ng lider ng BONODA na si Emmanuel Espinosa kung saan posibleng wala nang kahit 1 tsuper ang gustong bumiyahe sa mga susunod na araw.
Ipinaliwanag ng naturang lider na bukod sa napakamahal na presyo ng petrolyo, inaabot pa nila ang mabigat na bayarin sa mga papeles ng kanilang linya.
Dahil dito, nilinaw ni Espinosa na wala na silang nauuwing pera sa kanilang pamilya habang nagpapatumpik-tumpik pa ang mga opisyal sa pag-apruba sa petisyon sa pasahe.











