Posibleng nakalabag sa batas si Bise Presidente Sara Duterte kung mapapatunayan na hindi niya talaga naibenta o nailipat ang kanyang mga negosyo sa Davao City habang nakaupo sa pamahalaan.

Ayon sa legal expert na si Atty. Dexter Precioso, malinaw sa batas na ipinagbabawal sa mga opisyal ang paghawak ng negosyo na may conflict of interest sa kanilang posisyon.

Ipinaliwanag din ng abogado na kinakailangang i-divest o ipasa ng opisyal ang kanyang business interest upang maiwasan ang paglabag sa probisyon ng pamahalaan.

Dahil dito, nilinaw ng naturang eksperto na posibleng nanatili lamang ang pangalan ng Bise Presidente dahil sa kabagalan sa paglilipat ng papeles ngunit hindi na ito aktibo sa negosyo.